Saturday, February 10, 2007

PANIMULA

Matagal-tagal na rin akong nabuhay. Inabutan ko na ang pag-imbento ng gamot sa kamatayan. Nasaksihan ko ang pag-laho ng mga “political dynasties” at ang pagtatayo ng Bagoong Lipunan. Natuto na rin ako ng labing-tatlong punto ng pananalita, mula Aparri hanggang Jolo; kung paano sumayaw ng otso-otso habang umaawit ng ispagheting pataas-pababa; at nakapunta na rin ako sa Enchanted Kingdom kung saan ako patuloy na naninirahan; at nakita ang tunay na sagot sa tanong na: “Pag-laki mo, anong gusto mong maging?” Hindi maging doctor (dahil sa pag na nars din naman ang hantong); hindi maging engineer (tutal, sa call center din naman ang sulong) at hindi maging abogado, (kung hantungan din nama’y kulong). At kundi ito'y mabuhay na simple, masayahin, matuto sa buhay, at bukod sa lahat, marunong mag-mahal sa bayan.

Introduction

Beginning today I will be attempting to adapt Cory Doctorow's "Down and Out in the Magic Kingdom" to the Philippine Context. Watch the story unfold...

Thanks to Dailylit.com